BATANGAS CITY - Patay ang isang barangay tanod makaraang pagbabarilin ng sinita niyang tricycle driver sa Batangas City.

Dead on arrival sa Jesus of Nazareth Hospital si Arnold Baliwag, tanod ng Barangay Paharang East sa lungsod.

Ayon sa report ni PO3 Bernabe Damayan, sakay ng Isuzu Elf (RJG-976) ang biktima at nagpapatrulya nang sitahin umano ang isang tricycle driver habang kahina-hinalang nakahimpil ang tricycle (WB-4701) sa tabi ng highway.

Binaril umano ng driver si Baliwag at tumakas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20