BILANG pasasalamat ng cast ng Pure Love sa lahat ng supporters nila ay magkakaroon ng fans day ngayong hapon (Sabado) sa Marquee Mall, Pampanga, simula alas-5:00 ng hapon.

Nagbunga ang hand-to-mouth tapings ng Pure Love dahil nakuha nila ang pinakamataas nitong national TV rating ang noong Martes (Agosto 26) na 23.5% base sa survey ng Kantar Media samantalang ang katapat nitong BFF ay nakakuha naman ng 10%.

Kaya tuwang-tuwa ang cast sa pangunguna nina Alex Gonzaga, Arjo Atayde, Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, Yam Concepcion, Arron Villaflor at Ana Luna.

Oo nga, bago kami umalis ng bahay, halos lahat ng katabing unit namin ay Pure Love ang pinapanood kaya hindi imposibleng mataas ang ratings nito.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Samantala, masyadong dedicated sa Pure Love si Arjo dahil kahit may out of the country vacation ang buong pamilya niya ay hindi siya sasama. Katwiran niya, priority niya ang kanyang trabaho.

Hindi rin puwedeng magpaalam sa production ang binata dahil halos lahat ng eksena ay kasama siya ni Alex o ni Yen, at ayaw din naman niyang mag-advance ng taping dahil ayaw niyang makaistorbo sa kapwa niya artista na busy din sa ibang shows.