MAJA Salvador

WALANG tinanggap na TV project ngayon si Maja Salvador. Kahit kinukulit siya ng Star Magic para sa teleseryeng gagawin niya, mas binigyan ng prayoridad ng aktres ang promo ng kanyang album.

Masayang-masaya si Maja sa paglilibot niya sa buong bansa para sa kanyang album tour. Sey ng aktres, after Legal Wife ay kinailangan muna niyang magpahinga sa drama shows.

“Tama na munang magpaka-busy ako sa aking album tour, halos iniikot namin nationwide para mai-promote nang husto ang album ko. May mga gagawin din naman akong shows out of the country,” napangiting banggit pa ni Maja.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Last July, super successful ang first concert ni Maja. Nabuksan daw muli ang kanyang unang pangarap na makilala bilang singer. Pagkanta raw talaga ang unang hilig niya, at ‘yun ang isa sa mga dahilan kaya pinasok niya ang showbiz.

Nagko-concentrate siya ngayon sa pagiging singer at music ang kanyang bagong kinahihiligan.

“Mas na-excite pa ako na sana may mga bagong songs pa na ibigay sa akin. Or ako naman ‘yung magsulat kung ipo-produce ako ulit. Nai-in love na ako, ito na ‘yung bago kong kinaiinlaban, the music industry,” napatawa pero seryosong sabi ni Maja.

Hindi pala niya inaasahan na matatanggap siya ng mga tagahanga niya bilang singer at hindi rin niya sukat akalain na mapupunta siya sa larangan ng musika.

“Sa totoo lang, ‘yung eagerness ko na makilala bilang singer lumalabas talaga kasi ‘yung improvement din sa pagkanta. Hindi ko naman ‘pinagkakaila na marami pa rin talaga akong kailangang pag-aralan pagdating sa musika,” sey pa ni Maja.

Inaasahan niya na may mga batikos at puna siyang matatanggap sa pinasok niyang bagong mundo, pero tanggap na niya agad ang anumang paninira na maaaring ibato sa kanya.

Aniya, wala siyang maaaring gawin sa anumang negatibo at hindi kanais-nais na komento kundi gawing positibo.

“P’wede ko rin namang i-apply sa sarili ko para mag-improve pa. Mas pagbubutihan ko kung ano man ‘yung sinasabi nila. From the start naman always positive and believe lang na hindi man tatanggapin ng lahat, mas marami naman diyan ‘yung tatanggapin at mamahalin ‘yung ginagawa mo,” napatawang banggit pa ni Ms. Maja Salvador.