BATANGAS CITY - Bukod sa mga pampasaherong bangka na tumatawid sa Calumpang River patungo sa kabayanan, naglaan din ng dalawang bangka para naman sa libreng sakay.

Ang mga bangkang tinatawag na emergency boat for disaster operations ay inilaan ni Dondon Dimacuha, pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC).

Kaya ng bawat bangka na magsakay ng 15 pasahero at may mga bagong life vest din.

Ayon kay Marie Lualhati, public information officer, pumipila at bumibiyahe ang mga bangka mula Lunes hanggang Biyernes, simula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at kalahating araw naman ang biyahe kapag Sabado.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

May 20 bangka ang bumibiyahe ngayon sa araw-araw upang maiiwas ang mga pasahero sa masikip na trapikong dulot ng nasirang Calumpang Bridge.