CAPAS, Tarlac – Tatlong menor de edad ang pansamantalang nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) matapos nila umanong tangayin ang isang tricycle sa Barangay Sta. Domingo 2nd, Capas, Tarlac, noong Huwebes ng hapon.

Naaresto sa insidente ang isang 13-anyos, isang 14-anyos at isang 11-anyos, pawang lalaki at taga-Capas.

Tinangay umano ng tatlong binatilyo ang Honda tricycle (MU-9697) ni Ernesto Vinuya, 36, ng Bgy. Sta. Monica, Concepcion, Tarlac.

'All women unit' ng Philippine Army, pinasok isa sa mga kuta ng NPA!