Naglunsad ng rescue and pursuit operations ang militar upang mailigtas nang buhay ang dalawa nilang kasamahan na umano’y dinukot ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bontongon, Impasug-ong, Bukidnon, nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina Pfc Marnel Cinches at Jerrel Yorong, na kapwa aktibong miyembro ng 8th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Bukidnon.

Ayon kay 8th IB Spokesperson 1Lt Norman Tagros, pauwi ang dalawang sundalo at sakay sa motorsiklo nang harangin sila ng apat na rebelde sa Bgy. Bontongon.

Kinumpirma rin ng NPA na bihag nila sina Cinches at Yorong.

Hazing, muling isinusulong na wakasan!