Agosto 29, 1966 nang gawin ng The Beatles ang huli nilang pagtatanghal sa Candlesticks Park sa San Francisco, California at nakabenta ng kabuuang 25,000 ticket.

Eksaktong 9:27 ng gabi nang sinimulan ng na banda ang concert, at nagtanghal ng 11 awitin, ang “Rock And Roll Music,” “She’s A Woman,” “If I Needed Someone,” “Day Tripper,” “Baby’s In Black,” “I Feel Fine,” “Yesterday,” “I Wanna Be Your Man,” “Nowhere Man,” “Paperback Writer,” at “Long Tall Sally.”

Kinikilala bilang pinakamaimpluwensiyang banda ng rock-and-roll era, ang Beatles ay may apat na miyembro, sina John Lennon, Paul McCartney, George Harrison, at Ringo Starr. Una silang nagtanghal noong Hunyo 22, 1957 sa Roseberry Street sa Amerika.

Ang parke ay may seating capacity na 42,500, at 17,500 ang hindi naokupa nang gabing iyon. Tumanggap ang Beatles ng 65 porsiyento ng kabuuang kita mula sa concert.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists