DAVAO CITY – Dahil sa pangambang pangkalusugan, tinanggihan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ALS ice bucket challenge, sinabing kalalabas lang niya sa ospital dahil sa pneumonia.

“I respectfully decline the invitation. Kalalabas ko lang sa ospital, na-pneumonia ako, baka magbalik,” sinabi ni Duterte sa mga media sa panayam noong Martes ng gabi.

Sinabi ng alkalde na apat na araw siyang nanatili sa ICU dahil sa pneumonia at tiyak na makakasama sa kanya ang pagbubuhos ng isang balde ng malamig na tubig.

Matatandaang isa si Duterte sa tatlong hinamon ni Justice Secretary Leila De Lima matapos magsagawa ng ice bucket challenge ang kalihim noong Martes. Bukod kay Duterte, hinamon din ni De Lima sina Secretary Panfilo Lacson at Congressman Niel Tupas.(Alexander D. Lopez)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20