Muli na namang nagsalo sa liderato ang Letran at defending champion San Beda College (SBC) nang mapasakamay ng Squires ang kanilang ikasiyam na panalo sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tumapos na may 23 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 6 steals si Tommy Gedaria para pangunahan ang Letran sa paggapi sa University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD), 96-56.

Nagdagdag naman ng 18 puntos, 7 rebounds at 4 assists si Joshua Gonzales at tig-12 puntos naman sina Klyve Dungan at Johan Rubite para sa nabanggit na lopsided victory na nag-angat sa kanila sa barahang 9-2 (panalo-talo), kasalo ang Red Cubs.

Buhat sa 23 puntos na bentahe sa halftime, 46-23, pinalobo pa ng Squires ang kanilang bentahe at pinaabot ng hanggang 41 puntos sa pagtatapos ng third canto, 78-37, sa pangunguna ni Gonzales na nagsalansan sa nasabing yugto ng kabuuang 12 puntos.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Naging malaking kawalan para sa Altalletes ang kanilang leading scorer na si Jeszir Sison na nalimitahan lamang ng malagkit na depensa ng kalaban sa 6 na puntos, 8 rebounds at 1 assist sa loob ng 29 minutong paglalaro sa court.

Nagtapos na top scorer para sa Altalettes, sumadsad sa kanilang ikawalong kabiguan sa loob ng 11 laban, si Raphael Chavez na nagtala ng 18 puntos at 16 rebounds.