Isang bilanggo ang natagpuang patay sa loob ng kanyang selda matapos umanong magpakamatay sa Garchitorena, Camarines Sur noong Martes.

Kinilala ni Senior Insp. Stephen Cabaltera, ng Garchitorena Police, ang nagpatiwakal na si Emitrio Baylon, 48 anyos

Gamit ang kanyang shorts, nagbigti umano si Baylon sa loob ng banyo ng selda.

Nabatid na ang mismong asawa ni Baylon ang nagpahuli sa kanya dahil sa madalas na pagwawala.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

Napag-alaman na dalawang beses nang nagtangkang magpakamatay si Baylon.