DANIEL Matsunaga

NAPAIYAK sa sobrang kaligayahan ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga nang tanghalin siya bilang PBB All In Big Winner.

Hindi makapaniwala si Daniel sa pagbubunyi ng fans nang ideklara na siya ang panalo.

“Talagang it feels amazing, I have no idea how to express it pero it’s the most amazing feeling in my life na I felt so much loved kanina,” sabi ng binata.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Nu’ng lumabas ako du’n sa stage, nakita ko… so many people and it’s been a long time na hindi ako nakita ng mga tao. It was amazing, amazing feeling. I can’t explain it. I couldn’t stop crying,” sabi pa niya.

Nabigla siya sa rami ng kanyang supporters. Inakala pala niya na dahil iba ang kanyang lahi, hindi siya mapapamahal sa mga Pinoy.

“Kanina nu’ng nakita ko na so many people, napansin ko sa bibig nila na saying, ‘I love you, I love you.’ Grabe, talagang nakakaiyak. It’s the most beautiful feeling in the world, to be loved and to be able to share God’s love and everything through one audition of PBB.

“The most memorable would be the ending kasi para sa’kin, talagang hindi ko expected na I will (be) the winner,”

Naalala niya ang insidente sa Bahay ni Kuya na tila inis sa kanya ang ilang co-housemantes niya.

“Du’n talagang my hope went down, really bad so I felt emotional that time. It was a terrible feeling, feeling na betrayed…” dugtong pa ng hunk model. “Problemas are made for you to solve it. Step it up and then fix it and forget it,” aniya pa.

Pero ang pagkakapasok niya sa PBB ay learning experience para sa kanya.

“It’s something I’ll never forget in my whole life,” pagtatapos ni Daniel.