Dalawang malaking karera ang nakatakdang gawing sa susunod na buwan sa karerahan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas at San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Gaganapin sa Setyembre 21 ang 2nd leg ng Juvenile Fillies at Colts Stakes races kung saan ang magkakatunggali ay tatawid sa distansiyang 1200 meters.

Bukas sa 2-Year-Old Juvenile Fillies at Colts ang naturang pakarera na may P1M nakalaang premyo na mula sa Philippine Racing Commission (Philracom).

Mag-uuwi ang magkakampeon ng P600,000.00, P225,000 ang mapapasakamay ng ikalawa, P125,000 sa 3rd place samantalang P50,000sa 4th place.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Setyembre 28 naman nakatakdang bitawan ang mga mananakbong lokal para 3-Year-Old.

Nakataya ang P2 milyon sa Philracom Chairman’s Cup kung saan ay magkakahatawan ang mga mananakbo sa distansiyang 1600 meters.

Maglalabanan sa naturang karera ang Kid Molave, Low Profile, King Bull, Malaya, Kaiser Lantern at marami pang iba.