Dalawa ang namatay sa frat war sa Barangay San Nicolas, La Paz, Iloilo City kahapon ng madaling araw.

Tadtad ng saksak nang matagpuan ang mga biktima na sina John Ray Lapaza, 4th year Criminology student at miyembro ng Psi Sigma Phi at kaibigan nitong si Rainier Castillion, na kakatapos lamang sa Philippine Electronics Institute.

Bago ang insidente, nag-iinuman ang mga biktima kasama ang iba pang frat members sa isang restaurant sa naturang lugar at doon umano sila hinamon ng away ng mga miyembro ng Megalith Nu Sigma Phi (Megans).

Hindi pinatulan ng grupo ng mga biktima ang hamon at sa halip ay umuwi na lamang sila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang pauwi, nag-text si Lapaza sa kaibigang si Castillion para magpasundo ngunit sinundan sila ng mga kalabang frat at pinagsasaksak.

Ayon sa isang boardmate ng mga biktima, naabutan na lamang niya ang dalawa na tadtad ng saksak ang katawan at nakahandusay sa daan.