Herbert Bautista

SA ipinatawag na get-together celebration ni Mayor Herbert Bautista para sa lahat ng entertainment press na nagdiwang ng kaarawan simula Enero hanggang Setyembre ay isa sa hindi nawawalang topic ang tungkol siyempre sa napakaikling naging love affair nila ni Kris Aquino.

Kahit na super busy ang ama ng Quezon City sa napakaraming gawain ay hindi niya nakalimutang isingit sa schedule ang pagbibigay ng selebrasyon para sa mga kasamahan sa press at siyempre hindi siya umiwas sa mga itatanong sa kanya lalo na ang hinggil sa short lived romance nila ng numero unong celebrity endorser at TV host.

Kung bakit naudlot ang lovelife niya?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil mas inuna niya ang kanyang mga anak kaysa love life.

Binanggit din ni Mayor Herbert na maganda pa rin naman ang relasyon niya sa ina ng kanyang mga anak, pero hindi raw naman puwedeng tuldukan ang posibilidad ng pag-aasawa o pagpapakasal niya.

Samantala, napailing si Bistek sa tanong namin tungkol sa posibilidad ng pag-alis niya sa puwesto bilang mayor ng QC upang tumakbo sa mas mataas na posisyon, bilang senador ayon sa ugong sa pulitika.

Ayon kay Herbert, hindi pa ito mangyayari sa ngayon.

Malakas din ang ugong na ang makakatunggali ni Mayor Herbert para mayor ng QC sa susunod na eleksiyon ay ang newscaster ng ABS-CBN na si Ted Failon.