NAIC, Cavite – Dalawang operator ng saklaan, kabilang ang isang menor de edad, ang nadakip noong Lunes ng gabi sa isang police operation sa Barangay Munting Mapino sa bayang ito.

Kinilala ang isa sa mga naaresto na si Jayson Peji Gañac, 27, binata, ng 35 Barangay Latoria, Naic.

Hindi naman pinangalanan ng pulisya ang isa pang suspek, isang 15-anyos na lalaki, na kalugar ni Gañac.

Nadakip ng intelligence team ng Naic Police, sa pangunguna ni PO2 Hector Climacosa, ang dalawa habang nagpapasakla sa lugar bandang 8:30 ng gabi noong Linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni PO3 Richard Ferrer Atienza na nasamsam sa operasyon ang sacla ladlaran, baraha, at P240 koleksiyon ng taya.

Ang operasyon kontra saklaan ay ipinag-utos ni Supt. Danilo B. Buentipo, officer-in-charge ng Naic Police, alinsunod sa kampanya ng Cavite Police Provincial Office (PPO) laban sa ilegal na sugal sa lalawigan. - Anthony Giron