SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Dalawang hinihinalang carnapper na nagpapanggap na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naaresto sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa kanyang report kay Pangasinan Police Provincial Office director Senior Supt. Reynaldo Biay, kinilala ni San Carlos City Police chief Supt. Charlie Umayam ang mga nadakip na sina Michael Edades, 34, may asawa, negosyante, at residente ng Barangay Mangin, Dagupan City; at Daniel Salopagio Jr., 29, binata, bus driver, ng Bgy. Nalsian Norte, Bayambang.

Nabawi mula sa dalawa ang isang motorized tricycle, isang Sony Ericsson cell phone ng kanilang nabiktima at iba’t ibang ID ng CIDG.

Ini-report sa pulisya ang pagtangay ng mga suspek sa isang Honda TMX 155 motorized tricycle (8150-ZA) na minamaneho ni Edwin Arzadon y Balat, 36, biyudo, ng lungsod, madaling araw noong Linggo sa Sta. Isabel Subdivision. - Liezle Basa Iñigo
National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City