Guilty ang naging hatol ng Pasig Regional Trial Court kay actor-turned-politician at dating PBA player Dennis Roldan at kapwa akusadong Rowena San Andres dahil sa pagkidnap kay Kenshi Yu noong Pebrero 9, 2005.

Sa desisyon ni RTC Branch 157 Judge Rolando Mislang, bukod sa habambuhay na pagkakulong, pinagbabayad ng multa sina Roldan (Mitchell Gumabao sa tunay na buhay) at San Andres.

Ipinag-utos din ng korte na agad ikulong sa National Bilibid Prison sina Roldan at San Andres.
National

Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'