Shaina & Sam

ANG ganda ng ngiti ni Sam Milby nang aminin ni Shaina Magdayao na lumalabas sila kasama ang kanilang common friends.

At nang tanungin ang dalaga kung nanliligaw ang binata sa kanya, ang sagot niya: “Si Sam na lang tanungin ninyo.”

May ibig sabihin nga naman, di ba, Bossing DMB?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Diretso ABS-CBN si Sam paglapag ng eroplano galing Singapore dahil naka-schedule siya for contract signing sa Star Magic at natanong kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Shaina.

Naging mas okay daw sina Sam at Shaina dahil nakakapag-usap na sila kumpara noon na hindi man lang nagkakakuwentuhan.

Ayon pa sa aktor, iisa ang group friends nila ni Shaina kaya naging madali ang kanilang pagsasama bukod pa sa naging close sila noong nasa Europe sila para sa Star Magic tour.

Hindi sinagot ni Sam ang tanong kung nanliligaw nga ba siya kay Shaina pero good friends sila at ini-enjoy nila ang isa’t isa.

Consistent ang sagot ni Sam sa presscon ng The Gifted nang tanungin kung sino ang nililigawan niya: hindi muna niya ipaalam sa media dahil baka maudlot na naman.

Hay naku, sana nga mapunta si Sam sa tamang girl na makakasama niya habambuhay kasi sobrang bait ng binatang ito at nakakapanghinayang kung sa bungi lang siya mapunta sa tagal ng paghihintay niya.