Heart Evangelista and Chiz Escudero

ENGAGED na sina Sen. Francis "Chiz" Escudero at Heart Evangelista, ayon sa isang social media post.

Sa Instagram post ng Indonesian make-up artist na si Albert Kurniawan noong Sabado, makikita ang senador na nakaluhod at nagsusuot ng sing sing sa kaliwang ring finger ni Heart, na naiiyak naman sa ginawang proposal ng kanyang fiance.

Nakasaad sa caption ang: "Congrats Heart and Chiz ... yey .. they're engaged na :) #heartandchiz #heartevangelista @iamhearte @iamchize".

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

May post din sa Instagram ang malapit na kaibigan ni Heart na si Lovi Poe. Kasama sa post ang litrato ng magkasintahan na naghahalikan habang naiiyak pa rin si Heart, may caption si Lovi na: ''I'm so happy for you guyz! Chiz and Heart. You finally found someone who gives you the feeling that people write novels about.

"Someday when the time comes, all I have to do is look at you both and always remember to choose happiness more than anything in this world," dagdag pa ni Lovi

Sinasabi sa media reports na nag-propose ang senador sa Sorsogon, habang nagbabakasyon sila roon ni Heart.

Taong 2010 nang mahiwalay si Senator Chiz sa asawang si Christine at na-annul ang kanilang kasal noong 2012. Mayroon silang kambal na anak.

Samantala, 2012 naman nang maghiwalay si Heart at ang nobyong Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.

Halos dalawang taon nang magkarelasyon sina Heart at Senator Chiz. (ABS-CBN News)