Angel & Luis

PAGKATAPOS ng proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera na pinag-uusapan hanggang ngayon, tiyak daw na magkasunud-sunod ang magkasintahan na gagawa ng kaparehang eksena.

Tiyak na pressured ngayon ang ilang local male celebrities kung paano tatapatan ang ginawa ni Dingdong para sorpresahin ang mahal niyang si Marian.

Isa sa mga inaabangan, kung kailan at kung paano, ang gagawing pagpo-propose ni Luis sa girlfriend niyang si Angel Locsin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May nakapagbulong kasi sa amin na malapit na rin daw itong mangyari dahil gusto ni Luis na bago niya pasukin ang pulitika ay legal wife na niya si Angel Locsin.

Sa napanood naming guesting nina Luis at Angel sa programang Umagang Kayganda, pabirong binanggit ng binata na hinihintay lang niya ang proposal ng aktres, huh!

Hindi rin naman nagpatalo si Angel na pabiro ring sumagot na pag-iisipan na niyang mabuti ang sinabi ni Luis dahil kasalanan naman pala niya at ang proposal lang pala niya ang hinihintay nito.

Pero may nakausap kaming taong malapit kay Luis na tiyak na magugulat na lang tayo, at siyempre si Angel, sa gagawing proposal ni Luis.

Nagpadala kami ng tanong through text message kay Luis kung kailan mangyayari ‘yun. Ang reply naman agad niya, aabangan na lang namin.

Naitanong din namin sa aktor kung kailan niya pormal na idedeklara ang paglahok niya sa pulitika.

“Well, at this very moment,” maiksing tugon naman niya sa amin.