MASASANGKOT sa malaking kaguluhan ang mga karakter nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel, at Louise Abuel sa pagpapatuloy ng kanilang top-rating na Wansapanataym special na “Nato de Coco”.

Sa paglipas ng panahon na ipinagkaloob kay Oca (Vhong), haharap ang kanyang pamilya sa malaking hamon dahil sa pagkakatuklas ng ibang tao na siya ay isang buko.

Ano ang gagawin ni Oca para matulungan ang kanyang anak na si Nato (Louise) sa mga panghuhusga ng mga kaaway nito? Makahanap na kaya sila ng ebidensya na si Keith (Epy Quizon) ang nandaya sa basketball championship game at ang nag-utos na ipapatay si Oca?

Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, at Yogo Singh. Ito ay mula sa panulat ni Noreen Capili at handog ng Dreamscape Entertainment Television.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Nato de Coco ngayong gabi pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.