Isang 42-anyos na babae ang namatay nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad kahapon ng madaling araw sa madilim na eskinita sa Navotas City.

Dead-on-the-spot si Jacquelyn Leongson ng Block 33, Lot 20, Aries Street, Barangay San Roque ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas ang salarin nang matiyak na patay na ang biktima.

Ayon sa report, bandang 2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang naglalakad si Leongson sa Block 39, Fatima St., Barangay Daang Hari, Navotas City. Biglang sumulpot sa madilim na bahagi ng eskenita ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bago ang insidente, may nakita ang mga kapitbahay ni Leongson na may lalaking sakay ng motorsiklo na umaaligid sa bahay ng babae.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman sa pagiging asset ng pulis ang pamamaslang kay Leongson. - Orly L. Barcala