CAINTA, Rizal – Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki at isang babae na hindi pa rin nakikilala pero hinihinalang kapwa biktima ng summary execution ang natagpuan sa Barangay San Isidro sa Cainta, Rizal.

Ayon sa report ng Cainta Police, ang bangkay ng lalaki ay nasa edad 35-40, balingkinitan, nasa 5’5” ang taas, at naka-shorts na pula at itim na T-shirt.

Ang babae naman ay nasa edad 30-35, may taas na 5’3”, at nakasuot ng maong pants at brown ang pang-itaas. Maga ang nguso ng biktima.

Dinala ang dalawang bangkay sa crime laboratory ng Rizal Police Provincial Office para sa awtopsiya. - Clemen Bautista

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary