Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang ilang lugar sa Quezon City dahil sa reblocking operations ngayong weekend.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kabilang sa mga apektadong lugar ang C-5 Road, mula J. Vargas hanggag CJ Caparas St., outermost lane, southbound (SB); sa Araneta Avenue mula Del Monte Avenue hanggang Maria Clara St., QC, 2nd lane, (SB); sa E. Rodriguez Jr. Avenue / C-5 between Mercury at Eastwood Avenue, 3rd lane, (SB); sa Fairview Avenue from mula Doña Carmen hanggang Winston St., 3rd lane, northbound; at sa Congressional Avenue mula Mindanao Avenue hanggang April St., QC, 1st lane, westbound.

Itinakda ng Department of Public Works and Highways ang repairs mula 10 p.m. ng Biyernes, Agosto 22 hanggang 5 a.m. ng Lunes, Agosto 25.

Hinihikayat ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil inaasahan na ang matinding trapik sa mga nabanggit na lugar. - Anna Liza Villas-Alavaren

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte