ISULAN, Sultan Kudarat - Patay makaraang tambangan ng kapwa leader ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sinasabing brigade commander ng 105th MILF Base Command, na ikinasawi rin ng anak nitong barangay chairman noong Miyerkules ng hapon.

Positibong kinilala sa ulat ni Tanialap Utap, municipal administrator ng Sultan sa Barongis, Maguindanao, ang mga nasawi na sina Tato Mohammad, commander ng MILF; at Sadam Mohammad, chairman ng Barangay Angkayamat sa Sultan sa Barongis.

Ayon kay Utap, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-ama at pauwi na sa Bgy. Angkayamat nang pagbabarilin ang mga ito, na sinasabing kagagawan ng isa pang opisyal ng MILF na si Kumander Taya, at alitan sa lupa at pulitika ang tinitingnang motibo sa krimen. - Leo P. Diaz

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20