MALLIG, Isabela - Hindi na nagawang makatakas sa pulisya ng tatlong lalaki na sangkot sa karumal-dumal na pagpatay sa kanilang kainuman sa Barangay Siempre Viva Sur sa Mallig, Isabela.

Saksak sa leeg at hiwa sa ulo ang tinamo ni Arman Hernandez, cook, na tubong Visayas.

Agad namang naaresto sina Jun Morales, ng Bgy. San Fernanado, Mandaue City; Zaldy Agustin, ng Bgy. Aduas, Cabanatuan City; at isang Arnel Calma, ng Paniqui,Tarlac.

Lumilitaw na matagal nang naiinggit ang mga suspek kay Hernandez dahil mas magaan ang trabaho nito kumpara sa kanila na pawang kargador ng mais sa Abalos Grace Buying Station. - Liezle Basa Iñigo

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras