Daniel Padilla

NAKATANGGAP kami ng maintrigang mensahe na super flop daw ang concert ni Daniel Padilla sa Subic Bay Exhibition and Convention Center na may 3,000 seating capacity noong Agosto 9.

Ayon sa informant, ipinamigay daw ang tickets para lang magkaroon ng maraming tao at para hindi halatang flop.

May mga nabasa rin kami sa social media tungkol dito, pero hindi kami naniniwala dahil naipag-produce na namin ng show si Daniel kasama sina Kathryn Bernardo at Khalil Ramos na talagang apaw ang tao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iba pa ‘yung dinala namin si Daniel sa Butuan City na prinodyus naman ni Ms. Mary Ann Adiong in cooperation with the Tourism council ng nasabing probinsiya na talagang kulang ang venue at nagwawala ang mga bagets.

Tumawag kami sa Star Magic para alamin ang tungkol dito, pero itinuro kami sa Mama Karla Estrada ni Daniel dahil booking daw niya ito.

Ayon naman sa mama ng young actor ay hindi totoo ang intriga, pero mas mabuting ang producer ng show na si Moises Manio ang kausapin namin para mas klaro.

Mabilis naman kaming sinagot ni Moises nang tanungin namin siya tungkol sa sinasabing flop na concert ng hottest young actor ngayon.

“Hi po, kapatid, hindi po ito totoo. Maganda po ang turn about ng sales, hindi man po punung-puno, na-meet naman po namin ang expected sales namin na talagang kumita ng bongga,” sabi amin ng producer.

“Kaya patuloy pa rin namin ipo-produce ang team Daniel Padilla concert sa darating na Setyembre 13 sa Batangas Coliseum naman, for sure na pupunuin ng Teen King. Salamat po.”

Ang titulo ng show ni DJ ay Daniel Padilla Road Tour 2014 at special guests niya sina Kathryn, JC Padilla, Alex Diaz at Marco Gumabao.

Oo nga, kung flop ang concert sa Subic, malamang hindi na iyon masusundan dahil hindi biro ang gastos kapag lugi ang producer.

At kung hindi man nagso-sold-out ang tickets, bumabawi sa sponsors ang producer, lalo na’t marami na ring iniendorsong produkto si Daniel.

Hindi nag-iisip ng masama ang producer ng show ng young actor kung sino ang nagpapakalat ng maling balita dahil hindi naman daw totoo.

Kaya sa supporters ng KathNiel sa Batangas, abangan ninyo sila sa Setyembre 13 sa Batangas Coliseum.