Bea Alonzo

NATUTUWA si Bea Alonzo tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karaketr nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“Nag-e-enjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang sina Sasha at Rose,” sabi ni Bea nang mag-renew ng kanyang two-year contract sa Kapamilya Network.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Nakakatuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin,” ani Bea.

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kuwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha.

Maricar Reyes_JIMI copy

“Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa,” sey pa ni Bea.

Tiyak na lalong paiinitin ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang gabi ng viewers ngayong hindi na magpapapigil si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya.

Inaabangan kung paano ipagpapatuloy ni Rose ang kanyang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa. Mapagtatagumpayan kaya niya ang paghahanap sa pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama?

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay mula sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.