SHAINA Magdayao

PAGKATAPOS maunsiyami ang pag iibigan nila ni Piolo Pascual ay kay Sam Milby naman nali-link si Shaina Magdayao. May nakakita sa dalawa kanilang dalawa na magka-holding hands habang namamasyal sa isang mall.

Pero kagaya noong nauugnay siya kay Piolo, agad itinanggi ni Shaina ang isyu. Wala pa rin daw siyang karelasyon, pero masaya siya sa takbo ng kanyang buhay ngayon.

“For the first time I am really happy na ako lang siguro. It comes with age na mas secure ka siguro maski wala kang partner. Mas buo ako ngayon, maybe mas magiging maganda ang next relationship ko,” banggit pa ng dalaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pero may source kami na nagsabi sa amin na si Sam Milby talaga ang nagpapasaya sa mundo ni Shaina. Madalas silang nagkikita at walang oras na hindi sila nakakapag-usap o nagpapalitan ng messages sa celfone.

Hindi naman ito itinanggi ni Shaina.

“Yes, it’s true. We’ve been seeing each other. Nagkakasama kami with our other friends and non-showbiz friends. Maybe because I have time right now and he has time right now. But courtship? Maybe siya na lang ang tanungin n’yo at pangit naman na sa babae manggaling,” makahulugang banggit ng magandang aktres.

Si John Lloyd Cruz ang huling karelasyon na inamin ni Shaina. Bagamat pinanindigan ng source namin na nagkaroon din ng relasyon sina Shaina at Piolo, pero hindi nila ito inamin.

Pero this time, mukhang aaminin ni Shaina ang magandang pagtitinginan nila ni Sam.

“Well, gaya ng lagi kong sinasabi, ayokong mag-close ng doors. Ayokong mag-no. Ayokong magsalita ng tapos kasi hindi natin alam. But Sam is a decent man and mabait naman. So we’ll see,” napangiting sabi ni Shaina.