Boy Abunda

DAHIL sa hindi pa lubusang magaling ang kaibigang Boy Abunda ay napilitan si Kris Aquino na putulin ang kanyang pagbabakasyon sa America.

Kailangan kasi si Kris sa mga programang The Buzz at sa Aquino and Abunda Tonight.

Kahapon, habang sinusulat namin ito, inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng Queen of All Media at sa studio ng A&A Tonight na siya didiretso.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Lahad ng sikat na TV host at aktres sa kanyang Instagram account, marami pang darating na pagkakataon para sa bakasyon pero sa ngayon ay prayoridad niya ang tuluyang paggaling ni Boy Abunda.

Nagpapagaling na si Kuya Boy at malapit na malapit na uli siyang mapapanood sa mga programa niya sa telebisyon.

Sey pa sa amin ng aming kaibigang si Philip, ang trusted assistant ni Kuya Boy, kailangan pa rin ng restful sleep ng TV host at tatapusin muna ang antibiotic treatment niya.

(Editor’s note: May abscess sa liver si Boy Abunda na kinailangang alisin sa kanyang katawan para ma-biopsy siya at malaman ang cause nito. Maraming doktor na gumagamot sa kanya, na nagsabing wala namang bukol na natagpuan sa kanyang atay at curable ang kanyang karamdaman. Nothing serious, walang dapat ipag-alala, sabi pa ni Philip nang kontakin namin ni Jimi.)