Kiray-Celis-copy

ISA sa mga pinaglaruang interbyuhin sa presscon ng Somebody To Love si Kiray Celis dahil nga sa rumored boyfriend niyang assistant ni Direk Wenn Deramas.

Kuwento ni Kiray, hindi pa niya boyfriend ang guy dahil hindi pa siya pinapayagan ng magulang niya. Kaya kuntento na raw siya sa friendship nilang dalawa.

Pero ang lalaki, nagpa-tattoo na ng mukha niya sa katawan nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Siyempre, kapag nainlab ka, magpapalandi ka, di ba? Ang tawag ko kasi sa mga hug-hug, nakikipaglandi-landi. Alam mo ‘yon? Maarte, gano’n,” sagot niya nang tanungin sa Q and A, may kinalaman sa kuwento ng pelikula, kung ano ang idea niya sa ginagawa ng girl kapag kasama ang guy na type nito.

“Pero wala naman akong nilalandi. Priority ko kasi ‘yung family ko. So, kapag pinayagan ako ni Mama, siguro ‘yun na ‘yung turning point ko na, ‘Oh, I’ll try na!’”

Tungkol naman sa kanyang mukha na ipina-tattoo ng guy.

“Siyempre, ang ganda-ganda ko naman. Hindi naman kataka-taka ‘yon na ipa-tattoo ang mukha ko, pero flattered ako kasi ‘pinalagay niya.

“Siyempre ‘pag ‘pina-tattoo ‘yung mukha n’yo sa katawan niya, hindi n’yo po ba ‘yon ii-Instagram? Diyos ko, sino ba namang lalaki ang magpapalagay ng mukha n’yo sa katawan niya?

“Sasabihin n’yo pa ngang bobo, katangahan ‘yon, pero siyempre ako, nakaka-proud. Feeling ko, ang ganda-ganda ko!” natatawang sambit ng kilig-kiligang si Kiray.

Ano ang feeling ni Kiray sa lalaki?

“Special siya sa akin. Basta ‘pag pinayagan ako ni Mama…, napaka-open ko naman sa nanay ko kung sino ‘yung mga nagkaka-bet sa akin, kung sino ‘yung okey sa kanya at ‘pag puwede na. Very important sa akin si Mama, ‘yun talaga ‘yung pinaka-answer ko. Masaya naman ako sa buhay ko, napakasaya ko,” seryosong paliwanag ng batang aktres.