SAN FERNANDO CITY, La Union - Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sisikapin nilang bilisan ang pagkumpleto sa mga road project para mas mapadali ang biyahe patungo sa mga tourist destination sa Ilocos Sur, lalo na ngayong isinusulong ang Vigan City para mapabilang sa Seven Wonder Cities of the World.

Sinabi ni Esperanza Tinaza, information officer ng DPWH-Region 1, na may kabuuang 35 infrastructure project na kinukumpleto ngayon ng DPWH-Ilocos Sur First District Engineering Office, at 11 sa mga ito ay natapos na habang ang 15 ay on-going at 11 ang ibi-bid. - Liezle Basa Iñigo

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget