Sam-copy

MULA sa matagumpay na pagtatambal sa Dyesebel ay muling mapapanood sina Anne Curtis at Sam Milby sa The Gifted.

Sa presscon na ipinatawag ng Viva Films para sa nasabing pelikula, ibinunyag ni Sam na sa loob ng apat na taon sapul nang maghiwalay sila ni Anne ay ngayon lamang sila ganap na nagkakausap nang maayos. All communications dead, ‘ika nga.

Sabik na inalam ng press people kung ano o sino ang naging dahilan sa kanilang break-up, pero wala nang paliwanag na ibinigay si Sam, na maituturing na isa sa mga pinakasikat na dating housemate ng Pinoy Big Brother.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Gayunpaman, may isang katotong humirit kung naging battered girlfriend ba niya si Anne?

“I would never hurt a woman,” mabilis na sagot ni Sam Milby. “Kahit manampal ng babae ‘di ko kaya. We were raised to love and respect women.”

Ang mahalaga ay maayos na natapos ang pelikula na hindi sila naiilang ni Anne sa isa’t isa.

Ang role ni Sam sa The Gifted ay isang hearthrob athlete na pinag-aagawan ng nina Anne at Cristine Reyes. (Ni REMY UMEREZ)