Naghain si Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara ng resolution na nag-uutos sa kinauukulang komite sa Senado na imbestigahan ang aksidente noong Miyerkules sa ng Metro Rail Transit 3 na ikinasugat ng 39 katao.

Sa kanyang Senate Resolution No. 839, hiniling ni Angara na repasuhin ang public and mass transport system sa bansa matapos madiskaril at lumagpas sa riles ang bagon ng MRT 3 sa EDSA-Taft Station sa Pasay City.

Sinabi ni Angara na nakababahala na ang mga pagpalya o aksidenteng kinasangkutan ng MRT 3 simula noong 2012 at kailangan ang masusing imbestigasyon dito. - Hannah Torregoza

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho