Kamakailan ay nagsipanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng Trimedia Professional Foundation, Inc. Sa harap ng rebulto ni Ferdinand Blumentritt, kaibigan ni Gat Jose Rizal sa RIZAL PARK idinaos ang panunumpa. Aywan kung bakit sa dinami-rami ng rebulto ng mga bayaning Pinoy ay kay Blumentritt o sa rebulto nito nagsipanumpa ang nasabing grupo.

Napakaganda ng layunin ng Trimedia. Sa Bataan halimbawa ay nakapag-hatid na ito ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa bayan ng Abucay sa pamamagitan ng DSWD. Kasalukuyan ding nilalakad ng Trimedia na mabigyan ng mahahalagang proyekto: kalsada, tubig at eskuwelahan ang isang barangay doon ng mga katutubong Aeta sa Barangay Bangkal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tumutulong din ang Trimedia sa mga kapatid sa hanapbuhay na kinakasuhan at ginigipit ng ilang tiwaling pulitiko sa pamamagitan ng pag-apay sa Ombudsman at gayundin, tumutulong sa mga kapatid sa propesyon na may mga problema at karamdaman.

Ang ilan sa mga bagong halal sa opisyal nito na nagsipanumpa kamakailan kay Asst. Executive Sec. Lynn Moreno ay sina Art Lazo, pangulo, ng Balitang-Balita at DWEL: Val Gonsales ng DZRH, Pang. Pangulo; Irma Lazo, treasurer ng DWEL; Pepito Guerero ng Net 25, Pro; Rosario R. Tan, ng Balitang-Balita, Business manager; Bobby Guanzon ng DZRM, Chairman of the Board; Angelo Almonte ng Solar, vice chairman of the Board; at sa mga direktor ay kabilang sina Ros Manlangit ng OP, Silvestre Labay ng DZXL; Balatong at Rommel San Pascual ng DWDD at ang kolumnistang ito.

Sa mga adviser ay kabilang ang mga sumusunod: Marcelo S. Lagmay ng Balita at dating limang taong pangulo ng NPC, Atty. Regino Moreno, Atty Dioscoro Judan at Atty. Marcelino Arias. Aktibo ring nakikipag-ugnayan ang Trimedia sa mga tanggapan ng gobyerno para makatulong sa mga miyembro at maisiwalat sa bayan ang mga opisyal na nagkakaroon ng pananagutan sa bayan sa pamamagitan ng walang pangimi at takot na pagbubulgar sa mga ito.