Kim Chiu and Coco Martin 2

PATULOY ang pamamayagpag at pagiging number program ng Ikaw Lamang sa primetime television nationwide.

Batay sa pinakabagong data mula sa Kantar, nag-register ng 30.7% rating ang Ikaw Lamang laban sa 16.8 ng My Destiny.

Sabik na tinututukan ng mga sumusubaybay sa Ikaw Lamang ang transition ng kuwento at ang pagpapalit ng mga de-kalibreng aktor at aktres sa pagpapatuloy ng kuwento nito sa modernong panahon. Sumali na sa cast sina Christopher de Leon, Amy Austria, Rio Locsin, Nonie Buencamino at Joel Torre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Kim Chiu ay gaganap na bilang Andrea at si Coco Martin bilang Gabriel, at si KC Concepcion na ang makaka-love triangle nila bilang Natalia.

Kasama rin ang mga bagong karakter na gagampanan nin Smokey Manalo, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam at Mylene Dizon.

Bukod sa mataas na rating, umaani rin ng papuri ang Ikaw Lamang bilang isa sa pinakamagandang teleserye sa kasaysayan ng Philippine television.

Kamakailan at tinanghal ang Ikaw Lamang bilang Teleserye of the Year sa Yahoo OMG Celebrity Awards 2014 na ibinatay sa online poll.