May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: 78-anyos na lalaki, gumamit ng improvised oxygen; nananawagan ng tulong!

#BalitaExclusives: 78-anyos na lalaki, gumamit ng improvised oxygen; nananawagan ng tulong!
Photo courtesy: Rainiel Bonancia/FB


Viral ngayon sa social media ang kaganapan sa isang tahanan sa Brgy. Sibaguan, Sagñay, Camarines Sur.

Sa pangkaraniwang gamit kasi ng isang electric fan, madalas na ito ay ginagamit na pampawi ng init, lalo na sa mga panahong tirik na tirik ang araw.

Ngunit sa isang bahay sa nabanggit na lalawigan, ito ay ginamit bilang isang improvised oxygen, hindi pantanggal ng init, ngunit isang direktang “source of air” para sa isang nakaratay na lalaki.

Sa tulong ng isang balde, na nilagyan ng nakarolyong kalendaryo, tila iniipon ang hangin na siyang dumadaan sa isang tubong nakakabit naman sa lalaki.

Tila nahaplos ng nasabing video ang puso ng netizens, na talaga namang napukaw sa sitwasyon ng lalaki.

“Pagaling tiyo mainom naman naman ako dyan mga noarin po.”

“Parahay po tiyo huhuh”

“Dalhin nyu po muna sa malapit na hospital for temporary na oxygen meron naman po sila..kesa nagtitiis po sa ganyan…kawawa naman po”

“Pwede ko ba eh repost to with gcash number niyo ask lang?”

“can i have your gcash number po im willing to help pandagdag sa oxygen nya”

Ang ilang netizens ay nag-mention pa ng mga sikat na content creators para masaksihan ang kalagayan ng lalaki, at sa pag-asang matulungan ito.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Rainiel Bonancia, 24-anyos na anak ni Jeorge Sical Bonancia, ginawa raw nila ang improvised oxygen upang pansamantalang makahinga nang maayos ang kanilang tatay pagkagaling sa isang ospital.

“Ginawa po namin ang improvised oxygen kasi po pagkauwi namin galing hospital noong March 23, paglipas nang isang oras ay bigla na lang nahirapang huminga si papa—kaya naisipan namin na gumawa ng improvised oxygen po para pansamantalang maging maayos ang paghinga niya,” saad ni Rainiel.

Pagkuwento pa niya, may sakit na raw talaga ang kaniyang ama simula pa noong 2003. Aniya, umayos daw ang kalagayan nito ngunit dalawang taon ang nakalipas, muling nagsimula ang sakit nito.

Hindi man espesipiko, inilahad niyang sa atay at sa puso raw ang sakit ng kaniyang ama.

Panawagan ngayon ni Rainiel ay sana matulungan ang kaniyang ama sa kasalukuyan nitong kondisyon.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

“Nais ko po sanang makahingi nang kaunting tulong po, para makabili ng isang oxygen po para panreserba po. ‘Pag naubos ang isa, may maikakabit kaagad po, kahit kaunti lang po na tulong lang po, para sa amin ay sobrang napakalaking tulong na po ito. Maraming salamat po!” saad ni Rainiel.