May 22, 2026

Home FEATURES Trending

Tsuper na gipit, nakiusap ng bukal sa pusong dagdag-pamasahe kahit maliit

Tsuper na gipit, nakiusap ng bukal sa pusong dagdag-pamasahe kahit maliit
Photo courtesy: Renz Salonga (FB), File Photo

Kinaantigan ng netizens ang isang post ng Psychology student tungkol sa ipinaskil na mensahe ng jeepney driver para sa kaniyang mga pasahero, sa krisis sa langis sanhi ng sigalot na nagaganap sa Middle East. 

Base sa mensahe ng tsuper, mababasang nakikiusap siya sa mga pasaherong magdagdag ng kahit kaunting halaga sa ibabayad nilang pamasahe dahil umano sa mahal ng presyo ng diesel na pangunahin nilang puhunan upang makapasada. 

“May ipapakisuyo po sana ako sa inyo [an] baka puwede pong magpadagdag sa inyo ng pamasahe, kahit magkano lang po ‘yong bokal sa loob n’yo,” anang tsuper. 

Dagdag pa niya, “Kasi po hindi na namin kaya ‘yong laki ng diesel namin at halos barya na lang ang naiuuwi sa kada biyahe. Sa panahon ng krisi ngayon, walang ibang magtutulungan kundi tayo lang at ganoon din po ako sa inyo.” 

Sa kabila nito, nagawa ring ipayo ng tsuper ng dyip sa kaniyang mga pasahero na huwag mahiyang sumakay kahit na kulang o wala silang pambayad dahil handa rin umano siyang tulungan ang mga nagigipit ngayon sa krisis. 

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

“If ever na kulang [ang] pamasahe n’yo or wala kayong pamasahe,magsabi lang po kayo sa akin [at] isasakay ko po kayo. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa,” ‘ika niya. 

Matapos nito, nagawang kuhanan ng larawan ng Psychology student na si Renz Salonga, 19, ang naturang mensahe ng tsuper nang minsang makasakay siya sa jeep nito. 

Agad itong ibinahagi ni Renz sa kaniyang social media platform, partikular sa Facebook, noong Marso 25, 2026, kung saan umantig ito sa puso ng netizens. 

“While my friend and I were sitting in a jeepney, something caught our attention and truly touched our hearts. I saw a message inside asking passengers if they could add a little extra to their fare—clearly stating that it wasn’t required, only based on willingness,” mababasa sa simula ng caption ng nasabing uploader. 

Photo courtesy: Renz Salonga (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Renz. 

Ani Renz, tila raw mas kumurot sa kaniyang damdamin ang parte sa mensahe ng tsuper na handa niyang pasakayin ang iba pang mga pasahero kahit na kulang o walang pambayad ang mga ito, sa kabila ng hikahos na personal na ring nararanasan ng jeepney driver. 

“But what moved me the most was when the driver said, ‘Kung kulang o wala kayong pamasahe, magsabi lang kayo at isasakay ko kayo,’” aniya. 

Giit pa niya, “It’s ironic how those who have the least are often the ones most willing to give.” 

Pagpapatuloy ng uploader, ibinahagi niya raw ang mensahe ng tsuper sa kaniyang social media platform upang ihayag sa publiko na mas kailangan umanong malaman ng bawat Pilipino na apektado ang lahat dahil sa kinakaharap na krisis ng bansa sa halip na magsisihan. 

“I’m sharing this so we can reflect more deeply on what’s happening around us. This is a serious and timely issue, and instead of pointing fingers, we should recognize that we are all affected,” diin niya. 

Aniya pa, malapit daw kasi sa puso niya ang mga tsuper dahil isang tricycle driver ang kaniyang lolo at nakita na niya ang hirap na nararanasan ng mga ito. 

“Jeepney drivers, and drivers in general, are close to my heart—my grandfather is a tricycle driver, and I’ve seen how difficult it is to work every day without any certainty of bringing enough income home,” saad niya. 

Mensahe ni Renz, huwag daw sanang sisihin ng publiko ang mga driver at commuter at maging bukas ang kamalayan sa pagpili ng mga lider na mamamahala sa bansa. 

“Let’s not blame the drivers or the passengers. Instead, let this be an eye-opener for all of us when choosing who we entrust our country with. Above all, let’s continue to spread kindness. Brighter days are ahead,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit 155K reactions, 1K comments, at 50K shares ang naitala ng naturang post ni Renz. 

MAKI-BALITA: 81-anyos na lolang namalagi sa isang fast food chain, kinaantigan

MAKI-BALITA: Recognition ng isang grade-7 student, nag-instant reunion sa nanay niyang OFW!