May 22, 2026

Home FEATURES Trending

Recognition ng isang grade-7 student, nag-instant reunion sa nanay niyang OFW!

Recognition ng isang grade-7 student, nag-instant reunion sa nanay niyang OFW!
Photo courtesy: Jylaianne Granada/FB

Umani ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa social media ang viral video ng isang grade 7 student na sinorpresa ng kaniyang ina sa gitna ng recognition ceremony.

Mapapanood sa video na ibinahagi ng netizen na si Jylaianne Granada ang emosyonal na tagpo ng nasabing grade 7 student at ang sorpresang pagdalo naman ng kaniyang inang kababalik lang daw ng Pilipinas para humabol sa recognition ng kaniyang anak.

"Home just in time. A mother’s love truly knows no distance—she made it just in time to witness a moment that meant everything," anang uploader na si Jylaianne sa caption.

Sa caption din napag-alamang noong umaga lang daw ng araw ng mismong recognition ng kaniyang anak, dumating ang nasabing OFW na ina mula sa viral video.

“After being away, Mom finally niuli sa Philippines and arrived early in the morning—sakto gyud sa adlaw sa recognition program sa iyang Grade 7 youngest daughter,” saad sa nasabing caption.

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Sa gitna ng video, makikitang nasa gitna ng ng stage ang grade 7 student habang mabilis namang tumakbo papaakyat ng entablado ang kaniyang ina nakasuot pa ng backpack athalos muntik pang madapa.

Habang nakatalikod ang kaniyang anak, mabilis niya itong inakbayan na ikinagulat naman ng estudyante. Kasabay ng iba pang mga mag-aaral, nagawa niyang masabitan ng medalya ang kaniyang anak.

Samantala, bumaha naman ng pagbati at magaang komento mula sa netizens ang tagpo ng mag-ina.

“Nakakiyak mothers love.”

“Yung pag akyat parang wala lang.. pero the moment na umakyat si mader, boom.. smile.”

“Please lang makahilak jooood ko.”

“Tumulo talaga luha ko ,, biskan late og nadagma pero ng hug.”

“Naluha naman ako dun hehe”

“Grabe iba pa rin talaga pag nanay”

“Double award yung nakuha nung bata”

“Imagine tawid dagat pa yung ginawa ng ina para masabitan yung anak.”

“Keep up the good work don sa bata kasi suportado talaga ng ina.”

Samantala, sinubukan nang kunan ng komento ng Balita ang uploader ng nasabing video. Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang komento ang nasabing uploader.