May 22, 2026

Home FEATURES

81-anyos na lolang namalagi sa isang fast food chain, kinaantigan

81-anyos na lolang namalagi sa isang fast food chain, kinaantigan
Photo Courtesy: Screenshot from allygailee (TikTok)

Nahaplos ang puso ng isang netizen sa larawan ng 81-anyos na lolang nanatili ng lampas kalahating araw sa isang fast food chain.

Ayon sa TikTok user na si “allygailee,” nakita umano nila ang matanda sa sikat na fast food chain sa Paseo Arcenas Banawa sa Cebu noong Huwebes, Marso 26.

“She’s been there since around 6–7 PM. When we left at almost 10 PM, nandun pa rin siya still sitting, still trying to rest. She said she will sleep there until morning and plans to go back to her family’s house,” saad ni “allygaille.”

Dagdag pa niya, “Sabi niya [ng matanda], she originally planned to stay near a Shell close to her family’s place, but she didn’t feel safe there… kaya she decided to stay at McDo instead.”

Binigyan naman umano nila ng pagkain at pera ang 81-anyos na lola saka binilhan ng biskwit. 

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

“We gave her food, bought her biscuits, and gave her some money… but still, siya pa yung nag-aalala sa amin,” dugtong pa ng TikTok user.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. May ilang nagtanong ng update tungkol sa kalagayan ng matanda.

Komento ng isang netizen, “[U]pdate po kay lolaaaa plss.”

Samantala, ayon naman sa isang netizen na nagpakilalang crew, sa naturang fast food chain natutulog sa gabi ang matanda.

“Hello po, one of the crew here sa McDonalds Paseo Arcenas. Just to update lang po, nanay is okay naman. Usually she stays here sa store anytime, especially at night, dito siya nag-sstay and natutulog until morning,” anang service crew.

“Then every morning,” pagpapatuloy niya, “lumalabas siya, pero we’re not sure lang where siya pumupunta or if umuuwi na siya. Ang nakaka sad talaga is bumibili siya ng food just to have a reason to stay there together, but us crews and ppl also help her throughout the day.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 124.3K likes at 610.5K views ang nasabing video.