HALIFAX, Nova Scotia (AP) — Isang United Airlines Boeing 777 airliner na patungong Brussels mula U.S. ang nag-emergency landing sa Halifax, Nova Scotia nang magkaroon ng sunog sa aircraft.

Ayon kay Peter Spurway, spokesman ng Halifax Airport Authority, ang sunog ay nasa isang contained area at napatay bago ang emergency landing noong Martes ng gabi ngunit nagpasya pa rin ang piloto ng United Airlines Flight 999 na lumapag sa “nearest available airport.”

Sakay ng eroplano ang 233 pasahero sa flight mula Newark, New Jersey, patungong Brussels.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza