KIDAPAWAN CITY – Nasa P3 milyon halaga ng ari-arian ang natupok makaraang masunog ang isang pabrika ng banana chips sa Sudapin Street sa lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Reynaldo Perea, manager ng RVP Fruits and Enterprise, nagsimula ang sunog sa lutuan ng banana chips at agad na kumalat sa gusali.

Inamin ni Perea na katabi ng lutuan ang tangke ng may 6,000 litro ng cooking oil kaya hindi napigilan ang mabilis na pagkalat ng apoy.

Nag-e-export ng banana chips sa mga bansa sa Asia, sinabi ni Perea na 40 empleyado niya ang nawalan ng trabaho sa insidente. - Malu Cadelina Manar

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho