Hindi epektibo ang pagkakabit ng underground power distribution sa Metro Manila, dahil sa init ng panahon at madalas na pagbaha.

Paliwanag ni Bureau of Fire Protection (BFP) head Chief Supt. Carlito Romero, karamihan sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) ay madaling lumubog sa baha at masyado aniyang mapanganib kung magkakaroon ng nasabing sistema.

Mas ligtas pa rin, aniya, ang tinatawag na “overhead lines” scheme.

Sinabi ni Romero na kung magpapatupad ang gobyerno ng naturang sistema ay mangangailangan ito ng malaking pondo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Paliwanag ni Romero, kinakailangan nito ang imprastruktura, katulad ng pagpapatayo ng malalaking tunnel at iba pang phisical protection upang maiwasan ang pag-o-overheat ng mga kable ng kuryente.

Aniya, noong 2013 ay nagpatupad ng nabanggit na sistema ang isang electric utility sa Cebu upang mawala na ang mga “spaghetti wire” sa poste ng kuryente.

Inihayag din ng opisyal na isa sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa Metro Manila ang pagkakaroon ng “octopus wiring” sa mga squatters’ area.