Paglalabanan ang P180,000 papremyo para sa 3rd National Press Club Challenge Cup na sponsored ng Philippine Racing Commission (Philracom) bukod pa sa P130,000 na pakarera sa Metro Manila Turf Club,Inc. sa Malvar, Batangas.

Ito ang ihahandog sa inyo ng Metro Turf na pakarera sa Agosto 10 kasabay ng 5th Leg Imported-Local Challenge Race.

Siguradong magiging kapanapanabik ang kahahantungan ng bawat karera ng NPC at 5th Leg Imported-Local Challenge cup mula sa bawat kabayong ilalahok.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, mamamahagi rin ng P130,000 na papremyo sa bawat karerang ihahandog sa inyo ng NPC.

* * * *

Napagwagian ng Malaya ang katatapos na PCSO National Grand Derby sa karerahan ng Santa Ana Park, sa Naic, Cavite.

Nag-uwi ng P800,000 premyo ang kabayong Malaya ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos at pumangalawa lamang sa kanya ang Tap Dancer.

Pumangatlo naman ang Manalig Ka at habang nagtapos na pang-apat ang Wild Talk na siya naging laman ng karera na naganap noon Linggo ng umaga.