MARIA AURORA, Aurora - Nagbabala si Maria Aurora Mayor Amado Geneta na sisibakin ang mga kawani ng pamahalaang bayan na mapatutunayang sangkot sa ilegal na droga.

“Numero uno sa aking programa ang pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad, lalo na ang pagtutulak at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, gaya ng shabu,” anang alkalde.

Sinabi ni Geneta na wala pa naman silang matibay na basehan kung sa Maria Aurora nga nanggagaling ang kumakalat na shabu sa iba’t ibang dako ng lalawigan dahil wala pa aniyang nadidiskubreng laboratoryo sa Maria Aurora. Light A. Nolasco

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary