blind item shades

NAGPATAY ng kanyang cellphones ang kontrobersiyal na aktor para hindi siya matanong sa mga isyung kinasasangkutan niya dahil hindi niya pa niya siguro alam ang kanyang isasagot

Matagal na inilihim sa publiko ng kontrobersiyal na aktor ang isyung kinasasangkutan niya ngayon hoping na maaayos niya ito nang tahimik since willing at able naman siyang ayusin talaga ito, pero hindi nakikipag-cooperate ang taong involved. Higit sa lahat, pakiramdam ng kontrobersiyal na aktor ay ginagamit siya at piniperahan lang.

“Napagod na siya (aktor), ilang beses siyang nag-reach out, okay naman daw nu’ng una, pero biglang naiiba ang plano, hanggang sa kung anu-ano’ng hinihingi na siyempre ayaw naman ni _____ (aktor) na hindi dadaan sa tamang proseso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Eh, nanakot pa ng kung anu-ano, kaya sabi ni ____ (aktor), ‘bahala ka na, gawin mo gusto mo, pagod na ako’,” kuwento sa amin ng taong malapit sa kontrobersiyal na aktor.

Hindi na nga marahil ibinigay ng kontrobersiyal na aktor ang demands ng taong involved, kaya hayan, nag-iingay na at sinisiraan ang aktor na dedma as of now.

Sinubukan din naming tawagan ang talent agency ng kontrobersiyal na aktor pero out of town ang manager niya, maging sa cellphone ay hindi rin makontak.

Actually, curious din kami kung paano sasagutin ng kontrobersiyal na aktor ang isyu niya ngayon.

Kaya wait and see na lang tayo, Bossing DMB.