ISULAN, Sultan Kudarat - Bahagi ng kahandaan ng Sultan Kudarat, sa pamamagitan ng suporta ng iba’t ibang rescue at fire volunteer group, ang pagsasagawa ng dalawang araw na 1st Fire Olympics noong Hulyo 30-31, 2014.

Lumahok sa kompetisyon, na pinangunahan nina Sultan Kudarat Gov. Datu Suharto Mangudadatu, al hadz, at Bureau of Fire Protection (BFP) acting Provincial Fire Marshall, Fire Insp. Bayani Zambrano, ang mga fire at rescue volunteer mula sa Tacurong City, Isulan, Lebak, Kalamansig, Esperanza at Lambayong.

Nagkampeon ang Lebak, kasunod ang Tacurong, Kalamasig, Isulan, ang Sultan Kudarat Rescue Team, Esperanza at Lambayong.

Ang mga nagwagi ay ilalahok sa regional level. - Leo P. Diaz

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'