- Probinsya
Nutrition program, ilalagra sa Siargao
TARGET ng lokal na pamahalaan ng Siargao na maabatan ang suliranin sa malnutrisyon sa mga kabataang naninirahan sa fishing villages sa pamamagitan nang malawakang programa sa pangkalusugan sa susunod na apat na buwan. MATUGAS Sa pakikipagtulungan ng United States-based...
'Mastermind' sa Bacoor, arestado
Isa pang puga sa Bacoor City Police Detention Center, na sinasabing isa sa mga utak ng jailbreak, ang naaresto ng awtoridad sa Parañaque City, nitong Lunes ng gabi. Sa ulat mula kay Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon Police Regional Office (PRO-4A),...
11 patay sa car bombing
Labing-isang katao, kabilang ang isang sundalo at limang Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) members, ang namatay sa pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Lamitan City, Basilan nitong Lunes. Ayon kay Lt. Col. Gerry M. Besana, tagapagsalita ng Armed...
Utol, bayaw, 5 tauhan ni Ardot, aarestuhin
Puntirya ngayon ng Philippine National Police (PNP) na maaaresto ang kapatid, bayaw at limang umano’y hitman ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa Parojinog drug syndicate. Kinilala ni Chief Insp. Jovie...
ID system vs krimen, isinusulong sa Ecija
SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng San Antonio, Nueva Ecija ang identification system para sa proteksiyon ng mga residente laban sa kriminalidad sa kanilang lugar. Paliwanag ni Mayor Arwin Salonga, idadaan muna nila sa public hearing sa...
Permit sa Bora reopening, hinigpitan—DoT
Maghihigpit na ang pamahalaan sa pagbibigay ng permit sa mga establisimyento sa Boracay Island sa Aklan kaugnay ng inaasahang pagbubukas nitong muli sa Oktubre 26, 2018. Ito ay matapos maisapinal ng inter-agency task force ng gobyerno ang iba’t ibang uri ng clearance na...
Pari arestado sa pamamaril ng teenager
ILOILO CITY - Sasampahan ng kasong kriminal ang isang pari sa Dumarao, Capiz matapos umano nitong tangkaing barilin ang isang estudyanteng teenager sa compound ng pinamumunuang simbahan. Kakasuhan ng illegal possession of firearms si Fr. Federico Lim Jr., 45, kura paroko ng...
Dalawang NPA sumuko
Dalawang kaanib ng Communist New People's Army Terrorist Group (CNTG), na nag-o-operate sa Cordillera region, ang sumuko sa pamahalaan kamakailan, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang dalawang rebelde ay boluntaryong sumurender sa puwersa ng Northern Luzon...
6 na kabataan huli sa buy-bust
CAMP DIEGO SILANG, La Union – Anim na kabataan ang inaresto sa pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA sa San Fernando, La Union, nitong Martes. Kinilala ni La Union police information...
Bebot tinangayan ng motorsiklo
VICTORIA, Tarlac – Sinasamantala ng mga kawatan ang panahon ng tag-ulan gaya ng pagtangay sa isang motorsiklo sa Barangay San Nicolas, Victoria, Tarlac, kamakalawa ng tanghali. Sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Millo, tinangay ang motorsiklo (CD- 46542) ni Gloria Marie...