BALITA
Robredo, pinalalakas ng pababang trust rating
Sa kabila ng pagbaba sa kanyang trust rating, hindi pinanghihinaan ng loob si Vice President Leni Robredo. Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez na pinalalakas ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS) ang kanilang loob, idiniin na isinagawa ito...
PCG, sisiyasatin ang namataang barkong Chinese sa Eastern Samar
Posibleng namataan ang mga barkong Chinese sa Eastern Samar, ngunit sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na sisilipin pa nila kung may nagawang paglabag ang mga ito sa paglalayag sa karagatang nasa loob ng teritoryo ng bansa. Sinabi ni PCG spokesman Commander Armand Balilo...
PH, China mag-uusap sa isyu ng teritoryo
PHNOM PENH, Cambodia – Tiniyak ni incoming Foreign Affairs (DFA) secretary Senator Alan Peter Cayetano na magsisimula ngayong buwan ang bilateral talks ng Pilipinas at China kaugnay sa mga inaangking teritoryo sa South China Sea. Inihayag ito ni Cayetano matapos sabihin ng...
Palawan bantay-sarado vs Abu Sayyaf
Nagsanib-puwersa ang mga pulis sa Palawan at mga karatig na probinsiya upang samahan ang militar sa mas mahigpit na pagbabantay at paniniktik sa gitna ng mga banta ng pagdating ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan upang magsagawa umano ng kidnapping. Sinabi ni Chief Supt....
Año sa DILG: I will do my best
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na nakahanda siyang manungkulan sa anumang posisyon sa gobyerno kapag nagretiro siya sa serbisyo militar sa Oktubre ng taong ito. Ito ang naging reaksiyon ni Año sa pahayag ni Pangulong...
Mga Pinoy, mas mahaba na ang buhay
Mas mahaba na ang buhay ng mga Pinoy ngayon. Ito ang isiniwalat kahapon ng health authorities, kasabay ng paglalatag ng health statistics na nakalap sa mga nagdaang taon. Sa program launch na pinangunahan ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health (DoH),...
Dalawang pulis inambush
Sabay bumulagta ang magkaibigang pulis nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Jose sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina PO2 Roberto Reganit, na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Rizal Police Provincial...
Bebot pinasok, pinatay sa bahay
Dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa braso ang ikinamatay ng isang babae makaraang pagbabarilin ng tatlong armado sa Tondo, Maynila kamakalawa. Sa loob mismo ng kanyang bahay pinatay si Lea Ruth Contreras, 38, hiwalay sa asawa, may dalawang anak at nakatira sa No. 1326...
Apat binistay sa magdamag
Apat na lalaki ang pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City, mula Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga. Kinilala ang tatlo sa mga biktima na sina Khadaffy Salik, 41; Paul Vincent Abdao, 28; at isang Antonio Velasco. Patuloy na inaalam ang...
120 pamilya nasunugan sa sinaing
Kanya-kanyang diskarte sa paghahanap ng masisilungan ang 120 pamilyang nasunugan matapos lamunin ng apoy ang 80 bahay sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi. Sa ulat ni Pasay Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshall Supt. Carlos Duenas, dakong 7:30 ng gabi sumiklab...