BALITA
Ginang minolestiya ng binatilyo
VICTORIA, Tarlac – Ginapang umano ng isang menor de edad na lalaki ang isang 29-anyos na ginang habang katabi ng huli ang isang taong gulang na anak nito. Sa imbestigasyon ni PO1 Catherine Joy Quijano, naaresto at nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and...
Bangkay ng 'Sputnik' member nadiskubre ng jogger
Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki, na umano’y miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang, sa Taytay, Rizal kamakalawa. Inilarawan ang biktima na nasa edad 50, nasa 5’6” ang taas, may tattoo na “Sputnik” sa kanang hita, at nakasuot ng itim na T-shirt at...
2 huli sa pagbebenta ng condo ng iba
Arestado ang dalawang katao, na kapwa pinaniniwalaang miyembro ng sindikatong nagbebenta ng condominium na hindi nila pag-aari, sa entrapment operation sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon. Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Catherine Cipriano, 46, ng 3303...
Solusyon sa Metro Manila traffic inihingi ng saklolo sa ibang bansa
Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasaklolo na siya sa mga kalapit nating bansa dahil aminado siyang hindi kayang resolbahing mag-isa ng ating gobyerno ang “horrendous” na sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. Ito ay makaraang sabihin...
BoC: Mag-ingat sa mga nanghihingi ng 'tara'
Binalaan ng intelligence group sa Bureau of Customs (BoC) ang publiko hinggil sa mga indibiduwal na nagpapanggap na customs officials upang makakolekta ng “tara” o padulas na pera mula sa importers. Sa memorandum na may petsang Disyembre 7, 2017, nilinaw ni Ricardo...
Supt. Ferro bagong PNP anti-drugs unit head
Pinalitan ang tagapamuno ng mother unit ng pambansang kapulisan para sa anti-narcotics operations, ilang araw matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang giyera kontra droga. Sa Lunes, pamumunuan ni Senior Supt. Albert Ignatius Ferro...
Hindi ko sariling desisyon ang dengue immunization—Garin
Nina CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE at MARY ANN SANTIAGO Ipinagdiinan ni dating Health Secretary Janette Garin na ang dengue immunization program, kung saan ginamit ang bakunang Dengvaxia, ay hindi niya sariling desisyon; sinabing ang inisyatibo ay inanunsiyo ng kanyang...
Ex-Georgian president Saakashvili muling inaresto
KIEV (AFP) – Muling inaresto ng Ukrainian police si dating Georgian president Mikhail Saakashvili matapos niyang muling mabigo sa pagtatangkang ipakulong ang kaaway ni President Petro Poroshenko. Ayon kay Prosecutor General Yuriy Lutsenko, inaresto ang 49-year-old...
U.S. envoy for North Korean affairs tutulak pa-Japan, Thailand
WASHINGTON (Reuters) – Lilipad papuntang Japan at Thailand sa susunod na linggo ang U.S. envoy for North Korea upang talakayin kung paano mapatitindi ang pressure sa Pyongyang matapos ang panibago nitong ballistic missile test, sinabi ng U.S. State Department nitong...
15 UN peacekeepers patay, 50 sugatan sa Congo attack
KINSHASA, Congo (AP) — Sa kahindik-kahindik na pag-atake sa United Nations peacekeeping mission sa halos 25 taon, pinatay ng mga rebelde sa Congo ang 15 tagapamayapa at 50 iba pa ang sugatan sa pag-atake sa kanilang teritoryo. Nagpahayag si U.N. Secretary-General Antonio...